Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

July 06, 2006

Is there a tagalord word for Senility?

To the nth power na ang kabagutan ko. Bawal ang strenous activities, bawal din ang smoking-- aba'y di naman pwedeng magbati na lang ako buong araw for entertainment, no?

Siyempre, pwedeng manood ng TV pero, shet, and sad naman nang nuod lang ng nuod ng TV diba, parang talagang nag give-up ka na lang na sadyang walang sayang pwedeng mangyari sa buhay mo EVAR kaya living vicariously through the tube na lang ang atake mo. Harumph.

So, sige internet. Jusko, ang loser ko diba. Hindi sapat na nag log-on na naman ako sa Friendster-- did I hear you say sooo two years ago?-- nag answer pa ako ng bulletin board survey at-- ha!-- gumawa pa ako ng Friendster blog. Shet, loser.

Siyempre, hindi naman pwedeng umarriba lang ako sa kakablog dun kasi naman no, ang inconsiderate naman nun kasi 586 na tao ang makakareceive ng email na "Dino has updated his Friendster blog" like they care.

Hindi rin naman pwede sa LJ kasi masama na nga (it's bad enough?) na daily ako magupdate dun ng kilometric posts eh. So dito na lang since wala naman talagang nagbabasa nito.

......

....

..

Grabe, may isa akong Friendster friend na naka-miss sa akin. Like, whoa. Bad trip na lang kasi she keeps calling me "kuya". Puta. I'm old.

Que putang ina, malapit na akong mag-20! Huli-isyet-pakbet! I'm dyooraseek!

Anyhoo, hindi ko alam kung anong trip kong lutuin for lunch. Sawa na ako sa Carbonara ko eh. Parang feel kong i-attempt ang penne arrrabiata ng Italianni's. Pero parang di ko feel kumain ng burak today. Hmm. Ang saya-saya naman ng buhay ko.

2 Comments:

Blogger Anj said...

Senile = ulyanin. :P

July 06, 2006 5:31 PM

 
Blogger Boom said...

In furness, hindi ko makita itong post na ito sa main site. Isa siyang blogpost mumu.

At in furness, gumawa na rin lang pala ako ng bagong account for this sa livejournal. preshpish.livejournal.com, add mo kung feel mo XD

July 06, 2006 5:37 PM

 

Post a Comment

<< Home