Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

February 10, 2006

Bata, Bata, Anong Inalam Mo Kay Pres. GMA?

Sige na nga, makisama na ako sa ABS-CBN Hatewave. Pero wala itong kinalaman sa Wowowee.

Nung isang araw, nakapanood ako ng isang news segment sa TV Patrol World kung saan ininterview nila ang mga conyong gradeschoolers na gusto daw, like, patalsikin si GMA. Anong klaseng report naman yun? Then again, mahilig din silang mag-report ng mga sasksakan sa Tondo, diba? Dahil kailangang malaman ng buong bansa na may namatay na namang skwating. Right. Partida pa't primetime dinnertime ang timeslot nila.

Anyway, itong kumag na reporter na to-- na malamang, walang matinong maipasang report-- gumawa ng feature na, basically, pinapakita ang mga conyong batang ayaw kay GMA. Ang tanong ko lang, at baaakeeet? Ano naman ang kinalaman ng mga bata sa isyung pampulitika? Eh, tangina, kahit ako inaamin kong bo-bobo-bobo ako sa pulitika eh. At such strong words coming from, like, conyo kids ha.

I mean, para na ring kumunsulta ang Pag-Asa sa mga manghuhula sa Quiapo about their next weather forecast

Hindi naman sa gusto kong i-censor sa media ang anti-GMA messages pero sana man lang, kung sino man ang mag-dedeliver ng message na yun, consenting adults na marunong nang bumuo ng sarili nilang opinion. For all we know, yung mga batang yun, nasulsulan lang ng teacher nila na pag sinabi nilang I Hate GMA! on cam eh tatatakan sila ng star sa kanilang matataba at mga mestiso't chinitong mga braso.

Masama na nga na nagiging biktima ng propaganda ang mga batang yun eh-- I've heard na some schools teach their students that, well, in a word, impakta si GMA-- mas masama pa't ginamit silang tool ng propaganda ng tamad na reporter na yun. Journalist ka, mehn, you have a responsibility to use at least three fourths of your brain! At sino ba naman ang nag-approve na i-air yun? Primetime pa. Onting responsibilidad naman. Gamit utak. Baka ma-Alzheimer's.

Kaya kung wala naman kayong kamag-anak na hinihintay na magripuhan sa may Tondo, Big News na lang ng ABC 5 ang panoorin niyo. It's as decent as local news could get.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hi dino! i didn't see this on tv! naku, napaka iresponsable naman na journalism yan. abs-cbn is starting to lose its credibility (o meron nga ba from the start?). i should try watching abc5. thanks for the tip!

February 14, 2006 12:12 PM

 
Blogger Bong C. Austero said...

this actually makes sense! I agree!

February 14, 2006 3:35 PM

 

Post a Comment

<< Home