Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

February 04, 2006

Pish Be With You

Naks. Matapos ang labing-siyam na taong pag-iwas ko sa pagsusulat gamit ang wikang Filipino, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na magtaguyod (naaaks!) ng isang blog maliban sa aking pangunahing blog kung saan puro tagalog lang ang gagamitin ko. Hardcore. Ay pakshet, English yun.

Bago kayo mag-alburuto diyan, gusto ko lang sabihin na mahal ko ang sarili kong wika-- duh, bakit ko itatayo ang blog na ito kung hindi, diba?-- at hindi dahil nakasanayan kong magsulat sa Ingles, tingin ko ay cool na ako o sosyal o whatever. Kung pwede nga lang, mamatay na sana ang mga taong nag-iisip ng ganon. Lalo na yung mga malgrammar naman.

Sa totoo lang, na lo-loser-an nga ako sa kawalan ko ng katatasan(naaaaaks!) sa wikang Filipino eh. Bata pa lang kasi ako, bano na ako dito. Hindi naman yung parang retarded na pero-- gets?-- ang laking baba lagi ng mga grado kong nakukuha sa Filipino kumpara sa English sa eskwela.

Hindi ko nga alam kung dapat ko bang sisihin yung teacher ko sa Filipino nung bata pa ako, si Miss Corpuz, dahil tinuruan niya akong mabagot sa subject na tinuturo niya maaga pa lang. Katangha-tanghali, que taray taray! Ang hina hina pa ng boses.

After lunch pa naman yung class niya at malamig ang aircon. At dahil baboy ako, inaantok ako matapos kumain ng marami. At lagi akong maraming kinakain noon dahil baboy ako.

So, parang, hindi ko na lang talaga alam ang gagawin ko sa klase ni Miss Corpuz: Matutulog ba ako o Matatakot? Pinili ko na lang mabagot. Sa kanya at sa tinuturo niya..

Mula noon, nagkaroon na ako ng aversion sa Filipino subjects. Tuwing pinapabasa ako ng libro o storyang sinulat sa Filipino, nahihilo ako. Pakiramdam ko kasi, tanghali-- at galit ako sa tanghali-- at nasa klase ako ni Miss Corpuz-- na mas lalo kong ginagagalitan.

Kaya hindi ko binasa ang Noli Me Tangere o El Filibusterismo o Florante at Laura o Ibong Adarna. Yung huli, alam ko yung storya kasi nabasa ko sa komiks. Sosyal.

Kaya, ayun, bagot din ang lahat ng mga naging teacher ko sa FIlipino sa akin. Ewan ko ba, matino naman ang sweldo nila, pero bakit ba dapat bagot ang mga Filipino teachers? At bakit ba dapat laging ilang ang oras ng Filipino classes? O talaga bang na traumatize lang ako ni Miss Corpuz?

Oo nga pala, galit din ako sa isa kong kaklase na lagi kong kalaban sa Honor Roll. Actually, tatlo kaming naglalaban pero yung isa, best friend ko. Yung isa, ewan ko ba kung bakit ko kinamumuhian. Hindi naman ako competitive. Siguro dahil siya lagi ang pinanglalaban sa Balagtasan at ako, sa Declamation.

Langya ka Miss Corpuz, deeply-rooted ang issues ko against the Filipino Languange dahil sa'yo. Ihaychu. Di tayo pish.

2 Comments:

Blogger T said...

langhiya tagalog to da highest level pare. ^_^

February 05, 2006 11:09 PM

 
Blogger Boom said...

Sosyal ako eh. `^__-

February 05, 2006 11:35 PM

 

Post a Comment

<< Home