Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

February 08, 2006

Fact You! maging Speaker of the House na lang kaya ako?

Nag-sorry na si Usec. Corpus. Sabay banat na he just can't help but sympathize ladida. What? Walang vote me for President?

Hindi naman sa wala siyang karapatang magkapuso, no, pero being the Chairman of the fact-finding committee tasked to investigate about the tragedy, he should've stuck with the facts. Hindi siya dapat nagpapadala sa kanyang emosyon-- totoo man o kaplastikan lang-- tuwing gagawa siya ng public statement. Kailangan niyang maging objective kung gusto niyang maging credible ang ire-report niyang findings.

May mga naririnig din akong mga balita na hindi daw pumasa ang Ultra sa isang ginawang building inspection. Which is nice to know after n other concerts and events staged there over the past few forevers. It's so Ozone Disco all over again, I swear.

Nakikini-kinita ko na: Building Inspection Ningas-Kugon Fad, Hello!

Nagsalita na rin kanina ang mga Wowowee contestant coordinators na naatasang mamigay ng tickets na sina Bing Ramos at Ace Vidanes(?! Anak ni Tita Cory?! :P) Nakipaghatakan sila, nagmakaawa, namigay ng libreng mineral water-- Tinimbang Sila Ngunit Pakshet Kulang!

Negligence na kung negligence pero kahit ata NPA at Al Qaeda-- isama mo na rin ang QC Vigilantes-- aatras sa crowd na yun eh. Sige, kasuhan niyo ang buong management, pero sana ang sentensya, Time Served na lang.

Sabihin na nating lack of foresight pero, anong gusto niyo? I-barbed wire nila yung paligid? Mag-hire sila ng private army? Maglagay ng land-mines a la velvet rope para walang maharot? Eh di tinratong hayop na naman yung mga utas? Tapos aangal na naman kayo.

Seriously, para sa mga taong nagngangangalngal diyan, tell me, ano ang inyong grand plan para naiwasan sana ang trahedya? I mean, maliban sa sana hindi na lang tinuloy yung show. Come on, diba matalino kayo? Give me an answer. Yung feasible. Yung hindi effective lang in theory-- kasi come on, in theory--at, well, base na rin sa mga past events-- hindi naman dapat nangyari ang nangyaring trahedya. At, most importantly, yung humane. Buzzword na amputa.

Natuwa ako sa sinabi ni Gilbert Remulla. Bakit nga ba kung tiga gobyerno ang gumawa ng malawakang kagaguhan puro "I err aaah heb tu luk into this err ahh ishu parder" lang ang kayang sabihin ng mga pulitiko? Hello Candee Rivas, Oakwood Mutineers, GMA, Erap at, pakshet Marcos!

Aba, ngayon, wala pang isang linggo criminal negligence na agad. Fight na kung fight! Deadma na sa fact-finding committee. Sayang naman ang efforts ni Usec. Corpus. Mukha pa naman nangagatog na ang litid niya sa kahandaan.

Kayo talaga, mishturr ishpeakersofdahouse pag hindi niyo kauri ang kabangga niyo, naglalakihan ang mga bayag niyo. Hindi ba unfair treatment yun?

Maging Speaker of the House na lang kaya ako? Dadatdat ka lang, wala ka namang dapat gawin masyado. Epal ka lang.

Mamee dats wat I err ahh wanna be when I err ahh grow up!

-------------------------------------------------------------------

Salamat nga pala sa mga nag-iwan ng kanilang mga kumento sa huli kong entry.

Gusto ko sanang mag-reply individually kaso wala naman atang feature ang commenting system ng bloger na mano-notify kayo pag nag-reply kayo. I find myself agreeing most with what Ade had to say, though:

"it is ABS-CBN's fault. but to call the station exploitative is lowbrow.

sometimes i just can't help but be angry at how people ride on issues & exploit the masses just to score brownie points"

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

pa-pogi sila. lahat sila. sinasakyan nila ang isyu. yun lang yun. aargh.

mas malaking trahedya ang AFTERMATH ng stampede. 70+ na nga ang namatay, tapos napulitika lang.

February 09, 2006 11:15 AM

 
Blogger T said...

truly abs-cbn is the one responsible for this.. the gov't just rides to shine..
(pero ultimong sariling stampede downfall ng economia, hindi nila ma-solve)

(oops tagalog nga pala)
ewan ko lang kung gumawa sila ng security and safety plan. sa ibang bansa pag may event ka, tinatanong muna nila kung ano ang balak mo sa safety and security chuvaness..
tapos tungkol naman sa HABA ng pila, pinuputol nila para iwas traffic at gulo, eh dito ultimong brgy wlang pakialam. nangiaalam lang nung nangyari na yung tragedy.

February 09, 2006 11:53 AM

 
Anonymous Anonymous said...

ABS_CBN is truly evil network. kasi ba naman ginagamit nila kng kanilang pera para manggipit ng kanilang kapwa kagaya ng Meralco. gaya ngayun nasasangkot na naman sila sa eskandalo ng Wowowee tungkol sa partehan sa mga contestant. hindi ako naniniwala na wala silang alam dito. nabuking lang sila dahil may nagreklamo at involve na naman si Ace Vidanes nasasangkot din as Stampede last year. Wala talaga silang kunsensya at kadala dala. Dahil siguro akala nila kaya nilang bilhin ang lahat ng tao at political connection ng diyos nilang si Gabby Lopez na isang demonyo.

January 11, 2007 8:59 AM

 

Post a Comment

<< Home