Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

February 07, 2006

Aba'y Hayop ka rin DILG Undersecretary Corpus!

Ika nga ni Miriam Defensor-Santiago: I lied

Napanood ko ang presscon kanina ni DILG Undersecretary Corpus sa news at talagang hindi ko na lang maiwasang magcomment.

Sabi ba naman kasi niya, dapat daw maging criminally liable ang management ng Wowowee dahil daw inexploit nila ang mahihirap.

O...kay, that has got to be the most ridiculous thing I've ever heard from a person from the government. At, dude, that's saying a lot.

I mean, hello halatang-halata namang nag po-politicize at philosophize lang sila eh. Exploitation? Puh-lease.

Una, simple math ( o physics--matter --o logic, whaever) lang, hindi naman talaga pwedeng papasukin lahat ng tao sa Ultra kasi, sa tingin ko, kung pinagsaksakan silang lahat sa relatively ka-liit liit na venue, mas inhuman pa yun sa pagbibigay ng onting tickets. Hello, kamusta naman ang lack of Oxygen? Sa tingin niyo hindi alam ng mga taong pumila na onti lang makakapasok? Eh bakit sila pumila dun ng ka-tagal tagal?

Pangalawa, according sa dictionary, ang definition ng exploitation ay "an act that exploits or victimizes someone (treats them unfairly); "capitalistic exploitation of the working class"

Sa totoo lang, wala akong makitang unfair treatment sa mga taong nabiktima prima facie. Siguro pag kinutkot mo at nagphilosophize ka ng buong husay, pwede pa. At duh, reality check, capitalism is all about exploiting people's wants and needs. Eh diba feel na feel niyong maging capitalist ang bansa natin? Dahil sosyal?

Dude nakasubok ka na bang hindi makapagpareserve ng UAAP Cheerdance Competition tickets? Parang Wowowee din, wala nga lang casualties. At sa lagay na yun, ikaw pa ang magbabayad. GA seat na nga lang tig-250 pesos pa naman binili. Dapat pala dinemada ko rin yung gahamang scalper na yun. O ang Non-Stop at Araneta Coliseum Exploitation! Try mo ring manuod ng rock concerts. Kung hindi ka lang magripuhan ng nakanang mga jologs.

Pangatlo, mawalang galang na po Sir Corpus, kung hindi ka ba naman mas tanga pa sa dikyang nababad sa araw ng dalawang linggo, bakit ka naman magp-presscon na ang pinagdadadatdat mo eh opinion-based blabber na tangential sa context ng dokumentong ipinag-presscon mo? At, duh, sa tingin mo nakakatulong sa mga namatayan na ihalintulad mo ang mga namatay sa kanila sa hayop?

I mean, foul. Alam kong hindi ako masyadong nags-symphatize sa mga victims pero parang sobra naman na ata ang tawagin mo silang "hungry pack of wolves." Anong feeling mo, magiging FPJ ka after that statement? Pwede ba. Ayan, nabara ka tuloy ni Korina Sanchez aka Evil Witch of the Broadcasting West.

Mga taong to, ang hilig pa cheapin ang mga bagay.

Tama na nga tong pagpapaka political kuno ko.

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

in fairness, I agree.
Siguro dahil capitalista ako(ahehe) pero we've been in a mob(supposedly mga edukado pang tao ang nandun.. but no..) and sometimes talga it all comes down to the mentality of people.

my stand to that tragedy is that ang may kasalanan ang tangang mga taong umakyat sa freaking gate.

minsan talga wala nang magawa ang mga security..imagine binuhat na lang nga nila si kiti palabas ng angry mob..at nagsisigawan na lang sila pero wlang nakikinig.

yun ang problema. walang nakikinig. lahat ng tao masyadong concerned sa mga sarili nila. Which says much about our country.

Ewan ko ba. Maraming taong gustong magturo ng fingers, pero ang totoo sila naman ang may kasalanan.

Gabby(lopez) cried foul sa sinabi ng DILG secretary na yan actually sa inquirer. Foul naman talga. Ginusto ba nilang magkaganon.

*Ultra is one of the biggest venues in the Philippines actually, it's bigger than araneta. At saka talga,scary talga ang ULTRA entrance, swear ang surreal nung makikita mo yung mga taong parang batong nagtutumble sa tabi ng hill katulad nung sa the event.
**ang haba ng comment ko. i'm enjoying your filipino blog ha. parang seryoso ka sa mga sinusulat mo dito. kudos!

February 08, 2006 11:27 AM

 
Anonymous Anonymous said...

displina lang naman dapat eh. Kung may disiplina sila, hindi magkakaganyan yan. Why put the blame on ABS-CBN dba? Tsk tsk..

February 08, 2006 2:01 PM

 
Anonymous Anonymous said...

hi dino. got here through jher's blog. i agree with him, you write well for a teen. :) and i guess it's ok to keep on blogging about the wowowee thing, the way media's been going on about it, it will take a few more weeks pa before the talk will completely die down. hey, that's what's fun about blogging, di ba? you can write whatever you want and not give a damn what others think. i don't! hehe. link kita sa blog ko ha. i suck at tagalog to (i'm ilonggo) so i'd much rather comment in english. but i do like reading both your english and tagalog blogs. :)

February 08, 2006 2:11 PM

 
Anonymous Anonymous said...

it is ABS-CBN's fault. but to call the station exploitative is lowbrow.

sometimes i just can't help but be angry at how people ride on issues & exploit the masses just to score brownie points.

February 08, 2006 3:07 PM

 

Post a Comment

<< Home