Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

February 05, 2006

Onting Disiplina Lang Naman Eh: sabay-sabay rin tayong makakapunta sa gusto nating patunguhan

Natuwa lang ako dun sa hepe ata ng pulis na ininterview kahapon tungkol dun sa WoWoWee! Stampede Tragedy. Sabi niya kasi, baka daw ang may kasalanan, yung configuration ng entrance ng Ultra kasi daw masyadong declining yung slope.

At dahil nga declining yung slope, hindi daw nakatulong ang force ng gravity-- na makatlong beses mahigit niya atang sinabi, verbatim-- sa pagpapalala nung stampede. Sosyal. Physics yun ah! Matalino ka pala Ser?!

Siyempre, tingin na naman sa akin ng kapatid ko, insensitive na airhead. Hindi naman sa hindi ako nakikidalamhati, minsan lang talaga, naghahanap ako ng katutuwaan sa gitna ng trahedya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung maaawa ba ako o mamumuhi sa mga taong nasangkot sa stampede. Onting disiplina lang naman, naiwasan na sana yung trahedya. 'Yun din ata yung isa sa mga mensahe ni Sharon Cuneta nung nag phone-patch siya sa sa isang TV show eh. Kaya nga ba bata pa lang ako, crush ko na si Tita Shawie eh. Hee. "Mahaaal kitaaa magiiing sino ka maaan!"

Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng mga taong gustong-gustong makapasok sa loob ng Ultra-- yung iba, mga fans talaga ni Willie Revillame; yung iba, gustong manalo ng pera. Nakakaawa din naman na sa isang TV show na lang sila umaasa ang karamihan sa atin upang maiangat ang mga buhay nila.

Oo, minsan talaga may mga ibang taong nalulugmok sa kahirapan dahil biktima sila ng circumstansya-- circumstances?-- pero, sana, 'wag naman sanang dahil may mga taong handang tumulong, eh lagi na lang tayong hihingi ng tulong-- tulungan din naman natin ang sarili natin paminsan.

Minsan talaga, hindi mo maiiwasan na may mga taong aabuso sa pagtulong. Sa probinsya ng nanay ko, napakaraming mga taong ganyan. Sila pa itong may mga ganang magtampo pag hindi mo nabigyan ng tulong. Kapal!

Matapobre na kung matapobre pero ang kapal talaga ng mukha ng ibang tao, no. Napagsabihan ko nga dati yung isang babaeng pumupunta sa bahay namin regularly dahil binibigyan siya ng rasyon ng bigas ng tatay ko eh-- ang demanding kasing kumatok sa gate-- sabi ko, "Ate, kayo na nga po ang binibigyan eh. Wag naman pong ganyan."

Kaya ako, bihira akong magbigay ng limos, maliban na lang kung bata ang nanglilimos kasi hindi naman niya kasalanan na ipinanganak siya sa hirap. Wala akong pakialam kung miyembro siya ng sindikato. Baka mabugbog siya kung wala siyang iuwi. Mas gusto kong magbigay ng pera sa mga taong nakikikita kong nagsisikap man lang. Yung mga magbobote, yung mga takatak boys, sampaguita girls.

Tangina, kahit nga yung mga batang scroongee sa UP pinapatulan ko eh. Kahit sinabihan ako nung isa na tibo daw ako. Naging kaibigan ko na nga rin yung mga basura boys sa may Sunken Garden eh. Nagtitino din naman sila pag medyo naghigpit ka.

Naaawa tuloy ako kay Willie. Ang gusto lang naman niya, makatulong ng tao. Ngayon, malamang, kahit hindi naman niya kasalanan, nababagabag ang konsensya niya sa napakaraming taong namatay dahil sa anibersaryo ng palabas niya. Onting disiplina lang naman eh. Sabay-sabay rin tayong makakapunta sa gusto nating patunguhan.

5 Comments:

Blogger Dr. Emer said...

DISCIPLINE - a virtue that is slowly becoming extinct around here. Sad, but true.

February 06, 2006 3:01 AM

 
Blogger Boom said...

true, true.

kahit buhay pa ang kapalit.

February 06, 2006 1:47 PM

 
Anonymous Anonymous said...

good point.
naks. tagalog na talga. =)

February 06, 2006 2:58 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Amen, brother :) You beat me on this one, though. Down kasi ang Internet sa bahay, so I haven't much time to blog-hop.

February 06, 2006 2:58 PM

 
Blogger Boom said...

@ jokoness : Chong, what can I say, makata ako eh. XD

@pao: but I do consider your entry good reference for other people to read, too :)

February 06, 2006 7:26 PM

 

Post a Comment

<< Home