Unsucking at writing in my native tongue, one big tagalog word at a time
dahil ayaw kong maging malansang isda! Naaaks.

September 17, 2008

Pakshet! Ang pagbabalik ng Presh Pish!

O dahil ba isa lamang korupsyong ng ingles na katagang "fuck shit" ang "pakshet" mas tamang sabihin kong "k(um)antot (ka ng) tae"?

Kung ano man (hindi siya kasing epektibo ng "whatever" no?) gusto kong buhayin ang mumunting proyekto na ito dahil sa sadyang maraming boses ang umaaalialingawngaw sa aking mumunting (marahil baliw na) utak, nabuhay ang interes ko sa wikang Filipino nang magkaroon kami ng isa kong kaibigan sa Livejournal ng diskusyon ukol sa billboard ni kumpareng Boy Abunda para sa kanyang pabango.



Ako: Actually, bilib ako sa nag pitch nito dahil nag succeed siyang i-push na gawing comic noir si Boy Abunda. Hindi ko sure kung bilib ako sa bumili ng said pitch.

Siya: Ang tanong lang na namutawi sa isip ko....


but...but...why?!

Ako: Alam mo, ang sagot lang diyan ay dahil ito ang *sparkles*Vision*sparkles*

Pero deds muna sa ad, itugon natin ang BUT WHY?!??! sa direksyon ng pagmamanupaktura at pagbebenta ng Boy Abunda fragrance. Sa aking opinyon, mas gugustuhin ng tao na isuot ang/maligo sa aroma ni ginoong Sam Milby, Piolo Pascual etc.

Ano ang target market? Maaaring ito rin ang sentimyento na umaligaga sa utak ng nag pitch ng ad na ito kaya nama't sadyang kakaiba and kinalabasang produkto.

Di nga naman ba't isa sa mga layunin ng advertisements ang pumukaw ng pantasya sa mga mata ng mamimili?

Para sa akin, ang pantasyang napukaw ng naturang ad ay isang futuristic dystopic cyberpunk na mundo kung saan si Boy Abunda ang pimpmaster ng New World Order. (Parang si Сhris Rock sa The Fifth Element?)

Maaaring may mga taong ikalulugod ito.

I thank you. Bow.


Dito ko muling namutawi na sadyang nakakakilig-- halos nakakalibog-- ang magsulat sa wikang Filipino.


'Nga pala, nabuhay ng saglit ang presh pish sa preshpish.livejournal.com at mayroon dung labintatlong blag (eh potangena pano ko ba sasabihin yun?) na wala dito. Aba mala'y ko naman ba't interesatdo ka, diba, kaibigan?

Yun lang. At tandaan, mahal kita, walang iba.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home