Nag-sorry na si
Usec. Corpus. Sabay banat na he just can't help but sympathize
ladida.
What? Walang vote me for President?
Hindi naman sa wala siyang karapatang magkapuso, no, pero being the
Chairman of the
fact-finding committee tasked to investigate about the tragedy, he should've stuck with
the facts. Hindi siya dapat nagpapadala sa kanyang emosyon-- totoo man o kaplastikan lang-- tuwing gagawa siya ng public statement. Kailangan niyang maging objective kung gusto niyang maging credible ang ire-report niyang findings.
May mga naririnig din akong mga balita na hindi daw pumasa ang
Ultra sa isang ginawang building inspection. Which is nice to know after
n other concerts and events staged there over the past few for
evers. It's
so Ozone Disco all over again, I swear.
Nakikini-kinita ko na:
Building Inspection Ningas-Kugon Fad, Hello!Nagsalita na rin kanina ang mga
Wowowee contestant coordinators na naatasang mamigay ng tickets na sina
Bing Ramos at
Ace Vidanes(?! Anak ni Tita Cory?! :P) Nakipaghatakan sila, nagmakaawa, namigay ng libreng mineral water--
Tinimbang Sila Ngunit Pakshet Kulang!Negligence na kung negligence pero kahit ata
NPA at
Al Qaeda-- isama mo na rin ang
QC Vigilantes-- aatras sa crowd na yun eh. Sige, kasuhan niyo ang buong management, pero sana ang sentensya,
Time Served na lang.
Sabihin na nating lack of foresight pero, anong gusto niyo? I-barbed wire nila yung paligid? Mag-hire sila ng private army? Maglagay ng land-mines
a la velvet rope para walang maharot? Eh di tinratong hayop na naman yung mga utas? Tapos aangal na naman kayo.
Seriously, para sa mga taong nagngangangalngal diyan, tell me, ano ang inyong grand plan para naiwasan sana ang trahedya? I mean, maliban sa sana hindi na lang tinuloy yung show.
Come on, diba matalino kayo? Give me an answer. Yung feasible. Yung hindi effective lang in theory-- kasi
come on, in
theory--at, well, base na rin sa mga past events-- hindi naman dapat nangyari ang nangyaring trahedya. At, most importantly, yung
humane. Buzzword na amputa.
Natuwa ako sa sinabi ni
Gilbert Remulla. Bakit nga ba kung tiga gobyerno ang gumawa ng malawakang kagaguhan puro
"I err aaah heb tu luk into this err ahh ishu parder" lang ang kayang sabihin ng mga pulitiko? Hello
Candee Rivas,
Oakwood Mutineers,
GMA,
Erap at,
pakshet Marcos!
Aba, ngayon, wala pang isang linggo criminal negligence na agad.
Fight na kung
fight! Deadma na sa fact-finding committee. Sayang naman ang efforts ni
Usec. Corpus. Mukha pa naman nangagatog na ang litid niya sa kahandaan.
Kayo talaga,
mishturr ishpeakersofdahouse pag hindi niyo kauri ang kabangga niyo, naglalakihan ang mga bayag niyo. Hindi ba unfair treatment yun?
Maging Speaker of the House na lang kaya ako? Dadatdat ka lang, wala ka namang dapat gawin masyado. Epal ka lang.
Mamee dats wat I err ahh wanna be when I err ahh grow up!-------------------------------------------------------------------
Salamat nga pala sa mga nag-iwan ng
kanilang mga kumento sa huli kong entry.
Gusto ko sanang mag-reply individually kaso wala naman atang feature ang commenting system ng bloger na mano-notify kayo pag nag-reply kayo. I find myself agreeing most with what
Ade had to say, though:
"it is ABS-CBN's fault. but to call the station exploitative is lowbrow.
sometimes i just can't help but be angry at how people ride on issues & exploit the masses just to score brownie points"